200810: Sa tinagaltgal ko sa metro nahihirapan pa rin akong makibagay sa kapaligiran lalo nat ang naaamoy ko, kaliwa't kanan ay sadya at talaga namang hindi kanaisnais sa aking pang- amoy, hmm! Biro mo, ang pagkaputiputi kong damit, sa kalahating araw lang, sinala na ata lahat ng usok at dumi na aking nadaanan. Ang ganda ng timpla, halo- halong mula sa jeep, taxi at iba pang nagbubuga ng itim na usok. Smoke belching kaya! Ang damit, ayun magkukulay abo na! Nakapanghihinayang tuloy na magsuot ng puti.
Tunay na nakakairitang makita ang mga basura. Tapon dito, tapon doon. Hay walang sawang taputan na naging hobby na ata ng nakararami. PrrrrRrrrt... Subukan kaya nilang pulutin at ayusin. Kung kaya ko nga lang tanggalin lahat- isang ihip papalayo- sabi nga, it might be a better place for you and for me. Ang nakakainis pa, madalas may mga batang nakakakita. Badtrip! Hindi ba sila nahihiya na maaaring tularan ito ng mga bulinggit. Sa halip na maging mabuting ihemplo, ayun ihemplo nga! Kaya naman sa mga murang edad, natututo nga namang magpabaya. Ano na lang ang mga mangyayari sa susunod na henerasyon- basura?
Ang sakit sa ulo- sa dibdib.
Sa aking pag- unat- unat at pagsampay, nakita ko ang kalangitan. Matagaltagal na rin palang hindi ko napagmamasdan ang asul na kawalan. Maliwanag, malaya at payapa. Napangiti ako, napapikit at sabay na nakapag- isip.
Salamat at may natitira pang kagandahan.
No comments:
Post a Comment