Saturday, April 3, 2010

pakiramdam


Pangarap…

Napakalayang mangarap

Saan may maaari

Hindi ba?

Pangarap…

Isang mahimbing na hininga

Animo’y hanging dumampi

Sa pisnging kay pula

Pangarap…

Isang layang kay saya

Ramdam hanggang kaibuturan

Sabay sa pagpikit ng mga mata

At dahandahang paguhit ng ngiti

Sa labing nais mangusap

Ng ganda

Ng pag-asa

Ng pangako

At pagmamahal meron ka

Dahilang may pangarap

Na para sa kanila

Sa mga kaibigan

O mga kakilala

Sa mga kapatid

Sa magulang lalo na

Higit anupaman

Ang May Likha

Na sayo’y nanatili

Hanggang inaasam ay makita

No comments:

Post a Comment