Wednesday, February 16, 2011

PNoy


Talaga naman ang haba ng pila, naku parade pala at dahil dito, anong petsa na ako nakapasok sa trabaho. Iba-ibang kulay na ang nakasalubong ng sinasakyan kong multicab. Ok lang, nasa isip ko. Kahit papano masisilayan ko ang makinang niyang... ehem.

Sa una, ang buong akala ko parada ni Pres.Noy. Kaya naman nilabas ko ang mumunti kong kamera. Inaayos ng konte para kahit papano maganda ang kuha. Nagbabakasakali lang talaga na matsempohang may kumaway at ngumiti sa isa sa mga itim na sasakyan. Ay naku... malaking dismaya ng mabasa ko, Grand PTA Anniversary pala. Ang saya!

No comments:

Post a Comment